RANDOM THOUGHTS


Sunday, November 24, 2013




         M.U?  Hmmmm… Kapag narinig mo ang salitang M.U, ano nga ba ang kahulugan nito para sayo?  MUTUAL UNDERSTANDING? MALANDING UGNAYAN? MEDYO UMAASA? MEDYO UMIIWAS? MAG-UN? (Hahahaha) MEDYO-UMAAWRA? MEDYO UMIIBIG? MAG-ISANG UMIIBIG? MALABONG-UGNAYAN? MAGULONG-UGNAYAN? Kung sosyal na ka naman… NO STRINGS ATTACHED? MORE THAN FRIENDS BUT LESS THAN LOVERS? UNOFFICIAL? PSEUDO RELATIONSHIP?
          Ang daming pwedeng ipagkahulugan diba? Pero ano nga ba ang ibig sabihin ng M.U at bakit ito nag-eexist dito sa mundo? Ayon sa nabasa ko, ang dalawang letrang salita na ito ay tinatawag na Unlabeled Relationship.  Okay, so let’s define “UNLABELED RELATONSHIP”.
         It is a term to describe the relationship between two people that is more than close friends but both haven’t reach a mutual agreement to bring their relationship to an intimate level.

        Sa tagalog, ito yung tipo ng relasyon kung saan kayo nag-aasaran, naglalambingan, nagkukulitan, may tawagan ng kanya-kanyang eanderment, sweet ang turingan sa isa’t isa, concern kayo sa isa’t isa, magkatext lagi mula umaga hanggang gabi, yung gusto niyo na yung bawat isa pero walang confirmation, alam niyo na sa isa’t isa na may something pero ayaw niyong i-acknowledge na meron, ayaw niyo lagyan ng label. Nagkakaroon kayo ng sariling monthsary o ang masaklap pa umaabot kayo ng anniversary, nagbibigayan ng regalo at love letters exchanging sweet nothings, promises and vows at kung minsan pa nga ito yung moment na nag-iiloveyou-han na kayo pero wala namang kasiguraduhan ang status niyo sa isa’t isa. In short, parang kayo pero hindi rin. Walang pressure, walang expectations….you’re JUST ENJOYING each other! You stay together, do things together, spend time with each other, and you share everything, except one thing…COMMITMENT.

            Diba parang ang sarap pakinggan? Wala kayong label pero alam mong mahal niyo ang isa’t isa? Hindi kayo mag-on pero daig niyo pa ang mag-syota kung maglambingan?  Ang sarap lang sa feeling na kahit di naman talaga kayo, pero yung turingan niyo sa isa’t isa ay parang officially kayo na. Yun bang may obligasyon talaga siya sayo at pinaninindigan niya lahat ng dapat niyang panindigan.
          Pero ang masaklap na katotohanan, sa kabila ng lambingan, pagmamahalan at matamis na pagtitinginan….sa ”parang-kayo-pero-hindi” stage na ito, wala naman kayong KARAPATAN sa isa’t isa. Wala kang pinanghahawakan. Emosyon lang. EMOSYON LANG!!! X__________________X


     BAWAL MAGDEMAND. BAWAL MAGSELOS. BAWAL MAGREKLAMO. BAWAL MANUMBAT. BAWAL MAG-EXPECT… Pero pwedeng pwede kang MASAKTANKasi sa M.U…..Meron lang AKO at IKAW. Pero walang TAYO.
     Ang gulo kapag nalagay ka sa ganitong uri ng relasyon. Para kang isang taong namamasyal sa mall, napunta ka sa department store, may nakita kang estante ng pabango at nagbalak kang bumili. Pero syempre, bago ka bumili, kailangan mo munang testingin at amuyin ang pabango. Kumabaga, ang M.U ay isang relasyong itetesting muna kung mag-wo-work ba. Kung naging successful, edi maganda. Pero kung hindi, edi thank you nalang….and come again.    -_______________-
      Ang pinakamasakit pa sa lahat ng masakit dito sa mundo… sa relasyong gaya ng M.U kung kailan naman na-fall ka na at minahal mo na siya ng bonggang bongga, kung kailan sigurado ka ng siya na talaga…..kung kailan naamoy mo na na may happy ending na kayong dalawa…Tsaka ka naman niya iiwan sa ere na parang wala kayong pinagsamahan. Tska naman niya bibitawan ang linyang “We’re just friends.” X_______X Biglang nawawala na ang dating spark na una niyong naramdaman kasi hindi nabigyang hustisya.
    Masakit mang sabihin na walang kayo kasi nga umaasa kang meron, na merong mangyayari, na may patutunguhan, pero naglalaro sa isipan mo ang salitang MERON at WALA.
         Kaya ang masakit sa bandang huli…ang Ma-fall ng TODO…siya ang TALO.
        You have the same feeling but not one heart, you’re more than friends but less than lovers, you have have an implicit or implied romance, you’re dating but there’s no relationship. You both know that you are in love with each other, act as lover yet you stay friends


         In short, Masarap sa Umpisa….pero Masakit Umasa… umaabot ito sa puntong you both end up just like that…”ALMOST BUT NOT QUITE”, you play with emotions and the emotions will do the same for both of you end up hurting either one of you… Kumbaga itong M.U na to is just a short time happiness with a BITTER ENDING. It is just nothing but a FAKE FAIRYTALE na MAHIRAP UNAWAIN!
Kaya bakit ka papayag na hanggang M.U na lang kayo? Why will you settle with that kind of complicated relationship kung pwede namang mag-advance to the next level? 



Sunday, November 24, 2013



        Letting go has never been easy and holding on has always been difficult. Bakit? Eh Paano mo ba kasi makakalimutan ang taong lahat ng panahon mo binuhos mo sa kanya at halos sa kanya mo na pinaikot ang mundo mo pero hindi naman pala kayo magkakatuluyan sa huli. Ang hirap dumaan sa sitwasyong gumising ka na lang isang umaga, hindika na pala parte ng buhay niya. Wala ng text na bubungad sayo pagkagising mo palang ng ‘goodmorning babe, iloveyou’. Wala ng dahilan para makipaglaban sa antok ma-replayan lang siya ng ‘iloveyou too’.
       Dito mo marerealize na ang puso,isang maliit lang naman na parte lang ng katawan natin. Pero pag nasasaktan, buong pagkatao mo naaapektuhan. Ang normal na araw sayo dati noong hindi mo pa siya nakilala, araw na lang ngayon na puno ng kalungkutan. Para kang napunta sa ibang mundo. Sa ibang dimensyon kung saan para kang nakakulong sa isang kwarto na hindi mo alam kung papaano kang makakalabas kasi wala kang makitang pinto o bintana…
     
       Sabi nila madali naman daw kasimag-move on. It’s just simply removing “L” from “LOVER” and realize it’s “OVER”daw. Eh kung ganoon pala kadali edi sana walang nagpapakalasing para makalimot. Wala sanang emo na naglalaslas kasi iniwan, at wala sanang taong ginagawang tanga ang sarili wag lang siyang iwanan. Hindi yun isang simpleng pagkukunwari na hindi mo na siya mahal hoping na sana ito ay magkatotoo kahit para sayo parang katapusan na ng mundo. Ang hirap kasing kalimutan ang mga taong binigyan kanang masasayang mga sandali sa buhay mo.

      
    Moving on is a not a simple process. Hindi yun isang simpleng pagsasabi sa sarili na “makakalimutan din kita”, pero sa dulo may SANA. It’s a process and you have to promise yourself that you’re really ready to let go. Okay lang umiyak, dahil yan ang effective na paraan to ease the pain after you drifted away from each other. Okay lang na magdrama ka kahit ilang segundo muna, pero pagkatapos mong umiyak, you should erase all the bitterness away. 

   Tanggapin mo na wala na talaga kayo. ACCEPTANCE is the key…isipin mong every EXIT is an entry to somewhere, balang araw magpapasalamat ka sa ginawa niyang pag iwan sayo dahil marami pang pagkakataon para mahanap ang totoong magmamahal sayo. You just have to give a chance to yourself to love again.  Kaya hindi dapat katakutan ang salitang “MOVE-ON” eh,  kasi hindi ka naman mamamatay sa salitang yun, pero mabubuhay ka pa ng mas MASAYA kapag nagawa mo yun.






No comments:

Post a Comment